Monday, November 15, 2010

Brown Christmas

"I'm dreaming of a white Christmas, just like the ones I used to know..."

"I'll have a blue Christmas without you, I'll be so blue just thinking about you...''


Sounds familiar right?
Anu nga ba ang tunay na kulay ng pasko?
Sabi sa kanta, white daw, meron naman daw kulay blue.
Pero alam nyo ba na sa aming bahay sa Paete, Laguna ay araw-araw pasko pero hindi kulay white o kulay blue?

Hulaan nyo kung anong kulay. Hehe. Tama. Brown. Syempre kaya nga brown christmas yung title nung blog article ko eh 'no. =)

Pag pumasok ka sa bahay namin, lumingon ka sa kanan, sa kaliwa, tumingala sa taas at tingnan ang nilalakaran. Anung makikita mo?

Star garland

Nagkalat na christmas items na kulay brown!

Hahaha, bakit? Kasi ang trabaho namin eh gumawa ng mga christmas decors na brown finished lang. Malapit ng mag-pasko. At naglabasan na naman ang mga produktong pam-pasko kabilang na dyan ang mga pang-dekorasyon.

Noong isang araw, nagpunta ako sa isang mall hindi para mag-shopping kundi para magpalamig lang. Hehe. Aksidenteng napadaan ako sa National Bookstore at presto, alam nyo kung anong nakita ko? Mga  Christmas decors, syempre bukod sa mga normal na tinda nila. Mayroong mga kumpleto na sa disenyo at kulay at mayroon din namang brown finished lang. Bigla ko tuloy naalalang eto yung mga ginagawa namin noon ah. Hehe. At sosyal na ang presyo, nasa malaking tindahan pa. =)

Pero hindi lang yan, bukod sa mga local malls and or client, meron ding umo-order na pang-export. Yun nga lang sila na ang bahalang magtapos ng disenyo, kumbaga, sa'min lang ang framework.

Kadalasan eh dinadala sa Australia yung mga ginagawa namin, pero syempre hindi pa namin nakikita yung mga yun dahil wala pang nakakarating sa amin sa Australia.

Naalala ko pa nga pala dati, may umorder sa'min ng maliliit na kabaong! Tama. Kabaong nga! Yung lagayan ng bangkay. Haha. Oo, nagpapagawa sa'min ng kabaong na gawa sa karton! Pero syempre hindi life size 'no. Lagayan ng bote ng alak. Pang-souvenir sa pasko. Yung umorder kasi eh may-ari ng Arlington Funeral. Astig di 'ba? Brown finished na kabaong na gawa sa karton. =)

Hindi lang christmas items and ornaments ang kayang gawin namin. Gumagawa rin kami ng mga assorted boxes, jars, frames at iba pa.

Na-feature pa nga dati ang nanay ko sa "wonder mom" segment ng Unang Hirit noon eh, yung kay Lynn Ching. Doon ay na-interview ang nanay ko tungkol sa buhay ng pamilya namin at nagturo kung paano gumawa ng simpleng jar kay Lynn Ching. =)

Pag may free time kayo, punta kayo minsan sa Paete, Laguna at tuklasin ang mga natatanging sining at kultura namin.


Written by: Con

No comments:

Post a Comment