Kaya nga nabuo itong blog na ito dahil sobrang proud tayo sa ating pamilya. Pamilya namin ang aming STAR, dito kami nagsimula na makaranas na medyo umangat ng konti ang antas ng aming buhay. Kung dati ay asukal o milo ang ulam namin sa tuwing kakain eh ngayon may isda na, karne, gulay at may prutas pa, hehehe.
Masarap isipin na sa bahay namin ay araw-araw ang Pasko dahil sa mga star na aming ginagawa oras na mag-start ang order ng aming small family business...sariling amin, sariling likha. Sabi nga tatak Pinoy na tunay na may pusong pamilyang Pinoy.
Mula sa bunso namin noon na taga-buhol ng gold string na ginagamit na pansabit ng star hanggang sa mga little girls namin na sila ang nagba-brown finish ng iba't ibang sukat ng STAR, ako na tagaguhit sa malalaking karton, ang aming ama na taga-gupit/taga-cut ng makakapal na karton, ang aming ina at sumunod sa aking kapatid namin na tagabuo/assemble ng iba't ibang hugis at sukat ng STAR hanggang sa aming Lola, mga tita at tito na katulong namin sa pagbuo ng bawat isang STAR (how we miss our Lola) ay taon-taon namin natatapos ng maayos, dekalidad ang lahat ng STAR na aming ginagawa.
Sa ngayon ay kakatapos lang ng order sa'min na mga brown finished christmas items. Were proud to say that our products is exported in Australia. Ang mga umo-order sa'min eh sila na ang bahalang mag-design ng tapos.
Written by: Kuya Chan
Sa ngayon ay kakatapos lang ng order sa'min na mga brown finished christmas items. Were proud to say that our products is exported in Australia. Ang mga umo-order sa'min eh sila na ang bahalang mag-design ng tapos.
Written by: Kuya Chan
No comments:
Post a Comment